Sir John, ako po ay licensed real estate broker rin at nagbabalak kumuha ng appraiser exam. Ako lang po ay nalulungkot sa mga kaganapan sa board of res,sa dahilang may nakikita akung mga mali tulad halimbawa ng sec 20(b)(c), malinaw na nakasaad dito na appraiser at assessor lamang ang mabbigyan ng registration without exam pero sa ngayon ay marami na ang nabgyan ng lisensya ang board,tulad halimbawa ng LOCAL ASSESSMENT OPERATION OFFICERs,TAXMAPPERs at ASSESSMENT CLERKs ng mga LGU.ang mga nasambit na ito ay wala naman sa sec.20(b)(c) at malinaw na ang board ay mali dito. Di po ba sa sec.39 ay nagsasabi na sino man ang lumabag sa batas na ito ay may kakaharaping parusa?nakapaunfair naman na ako at ng iba ay nagpapakahirap sa 120 hrs training seminar na required para maqualify sa exam, ay hayon ang board, pinadali sa iba yung pagkuha ng lisensya. Hindi po ako makadirekta sa board sa aking hinaing dala ng takot na akoy paginitan at ako pa naman ay kukuha ng exam sa appraiser. Sana po ay isekreto mo po muna ang pangalan ko. Sana po ay may grupo na magquestion nito o gumawa ng position paper para sa board. Salamat. (Miss Concern)
RESPONSE:
Talagang hindi titigil ang patong-patong na anomalies ang gagawin ng mga naka-upo na PRB-RES ngayon kasi katulad ng sinasabi ko pa noong araw, hindi yan sila nominated ng Intergrated Professional Organization of Real Estate Service Practitioners (IPORESP), kasi po wala pa po IPORESP. Yang pag conduct nila ng Oathtaking na walang IPORESP ay labag din yan sa batas RA 9646. Yang pag conduct nila ng Exam na walang IPORESP pareho din labag din yan sa batas RA 9646.
Totoo po yan na dapat kayo matakot kasi nag-reretaliate yang Professional Regulation Commission ng Aquino Administration by red-taping your professional license if you complain their anomalies. Ako po kasalukuyang biktima ng retaliation-driven red-tape ng PRC. So, pag meron po kayong complain, sa akin nyo lang po ipadala at i-post po natin dito sa blogsite ko. Join the resistance against these anomalous PRB-RES. Eto ay magiging mahabang labanan, yang mga nagawa pong mga Resolutions ng current PRB-RES ay hindi po natin yan i-honor hanggang balang araw na sila ay mapalitan na.
No comments:
Post a Comment