By Rltr® John R. Petalcorin - Founder of RealterSociety.Org, Lead Volunteer Convenor of IPORESP.Org, Exclusive Buyer Agent, pro bono Consumer Rights Advocate, peer-to-peer coaching, matching buyers and sellers for FREE.
8/06/2011
IPORESP integration form and salesperson registration form
Q&A About IPORESP INTEGRATION FORM (IIF).
xxxxx
Q: Who are qualified to submit this IIF? ANSWER: LAHAT dapat mag submit. Ahente, Salesperson, Broker, Appraiser, Consultant, Assessor. May PRC Registration man or wala, dapat MAG-SUBMIT ng Integration Form ASAP!
Q: May bayad ba? ANSWER: Wala. IPORESP Board of Trustees Approved Form on 01 August 2011. This Form is NOT FOR SALE and NO MEMBERSHIP FEE is required. If you need a .PDF or .DOC format of the form, please request for it by emailing johnpetalcorin@gmail.com or also you can download it from these links:
Link to IPORESP Integration form in pdf format is at http://reibs.com/IPORESPintegrationForm.pdf
Link to IPORESP Integration form in MS Wors .doc format is at http://reibs.com/IPORESPintegrationForm.docx
Q: Pwede ba submit by email? ANSWER: Hindi pwede. Ipadala po by LBC ang originally signed na document na merong dry seal ng Notaryo. Kung grupo kayo sa isang area, mas maganda kung ipadala ninyo by LBC in bulk para tipid sa LBC courier fee. Group sending is only good ha kapag nasa gathering kayo and sabay sabay kayo mag completo and magpa notaryo ng form. Pero kung iba-ibang place kayo, send it individually, no need to wait for it to be collected by one person. Huwag na i-tengga. Kung ang bulk sending ay makaka tagal lang, have them send it individually na lang ASAP.Kasi ang bulk sending kailangan nyo pa physically collectahin yan, ehhhh makakatagal lang yan.
Q: May deadline ba eto? ANSWER: Meron, kahapon pa deadline nyan, hehehe. Mag submit po kayo ng maaga kasi may dalawang workload po ang gagawin sa Processing Site (Marikina and Manila) ng Form pag-dating sa IPORESP, (#1) Examination, counterchecking, and analysis of data, and (#2) Encoding of Data in the computer and uploading in the IPORESP Website. Libre po ang workload #1 kasi manual technical expertise lang po yan. Pero po, ang workload #2 ay gumagastos po tayo nyan para sa Internet Encoding Shop na gagawa ng pa-isa-isang pag upload sa Internet. Wala pa po tayong pondo, so ang mga initial gastos ay donation/subsidized/abono muna ng Lead Convenor. Pag ma-ubos na po ang pang abono, magkakaroon ng panibagong policy na mag-bayad na ng pang Workload #2 by LBC directa sa Internet Encoding Shop ang mga hindi maagap mag-submit ng Form.
Q: Sir John, may ipapadala dagdag ako sayo na (2) IIF para sa dalawa kong salesperson. kelangan ko pa ba i-attach ung xerox copy PRC ID & COR ko para mairegister under my license? Or just the IFF only together with their individual personal ID. ANSWER: Magandang tanong yan. Xerox mo na lang magka-tabi ang ID nya and ID mo --- isang page lang. Mas makaka-tipid kayo kung isang batch lang ang LBC package ninyo lahat ikaw kasama salespersons/agents mo.
Q: Sir John, salesperson po ako and hindi ako maka register sa PRC kasi walang Broker dito sa mga inhouse sa amin, pero meron mga external broker? Mag completo din ba ako ng IPORESP Integration Form? ANSWER: Yes you have to complete the IIF. Pag dating ng IFF sa IPORESP, you will be listed as a presumed member and we will refer you to the Brokers in your area so that the Broker wh will be interested on you can contact you and you can sign-up under the supervision of the Broker who will be willing to train and absorb you for PRC Registration. We want ALL agents nationwide to be Registered. As far as IPORESP and RA 9646 is concerned, ang Broker na una mag register ng Salesperson ay siyang Broker na merong exclusive supervision on that particular salesperson. Hindi pwede ang Salesperson na meron dual registration sa dalawang Broke. Pag ang Salesperson/Agent ay naka submit na ng Integration Form sa IPORESP, kahit wala pa yang PRC Registration, hindi na yan siya pwede i-harass on violation of RA 9646. Hindi pwede bulabugin ang operations ng merkado sa maliit na kadahilanang mabagal ang PRC sa Registration or dahil merong malaking harang sa Registration dahil sa unreasonable CPE requirement ng anomalous IRR. IPORESP is the emergency sanctuary of ALL.
QUESTION: Sir John, labing apat po kami mag-babarkada sa College. Meron nang mga iba't ibang trabaho mga barkada ko, yung iba manager sa bangko, yung iba sa gobyerno, yung iba negosyante. Pag meron sila ni refer sa akin at maka benta ako, pwede ko po ba sila bigyan ng referral fee? Ano gagawin ko para maging legal? ANSWER: YES pwede! Ideal na Salesperson ay mga kakilala mo, kaibigan, kamag-anak. First, ipa kompleto nyo muna ng IPORESP Integration Form (libre naman eto so no problem). Then WAIT for around 6 months the next steps -- expect a policy on Salesperson Training Certification (ikaw na mag train sa kanila para tipid) and the worry-free IPORESP Assisted Salesperson Registration in PRC. Pero FIRST STEP muna, RIGHT NOW, submit the IPORESP Registration Form, ikaw and your barkadas.
QUESTION: Sir ok lang ba magsubmit na ng IIF kahit di pa nakapag salespersons seminar? kasi ako nagstop recruiting baka ako madali ng resa. pwede na ho ba tayo? Can we start now? total sila tuloy tuloy benta kahit walang license. ANSWER: YES Pwede na magpa-integrate sa IPORESP. At least meron nang protection ang Salesperson, we can attest that he/she is willing to REGISTER. Hanap-buhay must not stop for a small reason that the PRC is slow in Registration Process, or the Salesperson Training Requirement is too oppressive. All operation must continue para hindi ma-bulabog ang market.
QUESTION: Saan po i-submit ang IPORESP Integration Form after ma notaryohan? ANSWER: Ipadala mo by LBC sa IPORESP Processing Site. Nakalagay naman ang instruction sa upper portion ng Form.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment