I NEED HELP FROM MEDIA and ALL ADVOCATES
I just confirmed the RETALIATION now. Tinawagan ko ang PRC Tel# 7351533 (Beth) at na confirm ko na iniipit ng PRC ang application ko for Broker License. The reason is because of the anomalies I exposed at harap-harapang pina-alam sa kanila (by email) on the article titled Treachery of the Professional Regulatory Board of Real Estate Service (PRB-RES). Ang simula ng issue na eto ay nag-alburuto ako dahil pilit sinisingit ng PRB-RES na i-exempt ang mga marketing arm ng real estate developers sa RA 9646 (Real Estate Service Act). Ang link ng final version ng article na eto ay http://petalcorin.blogspot.com/2010/06/treachery-of-prb-res-on-resa-irr.html
Ako mismo na isang Advocate Laban sa Katiwalian ang biktima ng pamemersonal na retaliation ng PRC. Ano ang mai-tutulong ninyo?
xxxxx
Ako mismo ay kabilang sa Real Estate Sector. 1998 pa, Broker na ako at ang license ko current/active up to 31 Dec 2010. Ako ay nag-iisang Consumer Advocate sa sector namin. Marami akong naisulat na advocacies para sa Real Estate Sector. Ngayon, iniipit ako ng mga kalaban ko gamit ang mga pina-upo nilang Board Members ng PRC (otherwise known as PRB-RES).Halimbawa sa mga sinulat ko ay ang mga sumusunod.
CREBA Manipulation on the Real Estate Professionals.
http://petalcorin.blogspot.com/2010/11/creba-manipulation-on-real-estate.html
Philippine Realty Agents Defrauding OCWs
http://petalcorin.blogspot.com/2010/11/philippine-realty-agents-defrauding.html
Anomaly in Continuing Professional Education
http://petalcorin.blogspot.com/2010/11/cpe-anomaly.html
Why Finish College if you can Buy Counterfeit Professional License
http://petalcorinpolitics.blogspot.com/2010/11/why-finish-college-if-you-can-buy.html
19 Articles Series Supporting RA 9646 Advocacy
http://petalcorin.blogspot.com/search/label/RA%209646%20Advocacy%20Series
At higit sa lahat, labing-limang (15) articles on the Real Estate Anomalies, Scams, and Schemes
xxxxx
Ang government Agency na nag-retalliate sa akin ay ang Professional Regulation Commission. Tingnan mo etong link sa baba. Ang mga naka-pirma nito ay silang mga pangalan na nag-iipit sa akin. http://www.prc.gov.ph/documents/3rd%20approvedreso%20without%20exam.pdf
Nireresbakan ako ng PRC dahil sa mga batikos ko sa kanila. Pati hanap-buhay ko eh iipitin nila. Maari din iniipit nila para hindi ako maka-takbo sa election ng Integrated Professional Organization of Real Estate Service Practitioners (AIPO-RESP). Eh napaka vocal ko pa naman na papapalitan ko yang mga appointees ni GMA pag maging Trustee ako ng AIPO. Ayan iniipit ang papeles ko.
Yang mga yang naka-upo na PRB-RES hindi yan nominated ng democracy ng Brokers. Nominated yan ng mga Anti-Brokers na mga Developers na member ng CREBA na ayaw ng professionalization. Ang CREBA ngayon ay merong petition sa Supreme Court na ibasura ang RA-9646 na siyang pangunahing batas nag-tatag ng professionalization namin effective July 30, 2009. Mga kalaban naming professionals sila mismo naka-upo sa PRB-RES. Ako ang pinaka-vocal nilang kalaban, iniipit ako, tinatanggalan ako ng hanap-buhay. Grabe.
In July 30, 2009, our licenses were transfered from DTI to PRC because of RA 9646 (Real Estate Service Act). I am currently active, my license expires 31 Dec 2010.
To formally move us from DTI to PRC, we submitted paperwork to PRC. Completo na papers ko one day lang ako nag-process last 26 Oct, 2010 ang Resibo ko. Ngayong 29 Nov ang Oathtaking at plano namin na mag assembly after the oathtaking para sa initial formation ng AIPO and snap election ng trustees -- nagdeclara na ako na tatakbo ako. Ako lang merong Platform para sa pagbabago. Platform ko nasa http://petalcorin.blogspot.com/2010/10/my-platform-for-aipo-resp.html
Pinipigilan yata nila na mapasama ako sa oathtaking para hindi ako maka-takbo sa election. Mga puppet na naman ng CREBA ang ilalagay nila dyan -- hindi mawawala ang colorum! Kawawa ang industry namin.
xxxxx
Etong CALL FOR SUPPORT ay nasa wikang Taglish dahil gusto ko maramdaman na ang "Pilipino lang ang Tutulong sa Kapwa Pilipino" (Erap).
Dinulong ko na rin etong problema ko sa P-Noy page kung saan ako ay napaka-active sa aking political exhortation and advocacy work. Pero wala pang feedback.
Nilapit ko na rin kay VP Binay (through Joey Devenecia III) ang suggestion ko na Memo para maprotectahan ang mga consumer laban sa mga developers na gumagamit ng colorum. Pinag-uusapan daw eto ng PDP Laban sa kasalukuyan.
Remember, ako lang ang nag-iisang Consumer Advocate ngayon sa Real Estate Industry. Porte ko talaga etong real estate at alam ko ang pasikot-sisikot nito. Sumasagot ako ng LIBRE sa Blogsite ko ng kahit anong question ng mga consumers and professionals about real estate.
Maraming natutulungan, pero wala akong kinikita bilang Real Estate Consumer Advocate. Sana marami ang makatulong sa akin na ngayon eh ako naman ang iniipit ng mga kalabang mandurugas na tiwali ang pamamalakad.
Sa America, merong anti-retaliation laws (No-FEAR Act of 2002 and Whistleblower Protection Act of 2007) that discourage retaliation. Sa Pilipinas, Kaya di tayo umuusad, wala tayong mga ganyang batas, at dahil TAKOT lahat mawalan ng trabaho pag magsalita sila laban sa mga managers or regulators ng profession nila. Sana naman makakakuha ako ng dagdag na lakas na loob sa inyong mga sumusuporta sa advocacy natin.
I need help in admonishing the PRC to release my license as a Real Estate Broker without any condition so I can continue my work as an (1) Exclusive Buyer Agent an a (2) Real Estate Consumer Advocate.
xxxxx
WARNING! Pag may namigay ng real estate flier sayo sa malls, tingnan mo ang pangalan ng namimigay na ahente sa likod ng flier, pag walang profesional license number, COLORUM yan na ginagamit ng developer. Caveat Emptor. Kung kaya nilang gumamit ng colorum broker, hindi kita pipigilan kung isipin mo na kaya din nilang gumamit ng colorum na construction engineers ng bahay or subdivision lot na binibenta nila. Remember, ang PAG-IBIG Fund nga eh kaya nilang ma-scam to the tune of P7B, ikaw pa kaya. Yang P7B ay isang developer lang yan ha, hindi pa kasali dyan ang iba na pareho ang kalakaran puro colorum ang mga ahente. Atsaka huwag ka nang magtaka kung bakit ganyan ka-mahal ang binibenta nila -- dahil yan sa speculation ng lupa at overprice ang bill of materials (makikita mo ang bill of materials ng projects ng developer sa Pag-Ibig Office kung curious ka makikita mo ang P10 na hollowblocks eh dinideclare nilang P25). Sobrang laki na ng patong, talo ka pa sa fine-prints ng contract to sell na iniiwasan ang Maceda Law (installment buyers right for a refund). Mag-ingat.
No comments:
Post a Comment