11/02/2010

RA 9646 Advocacy supporting law enforcement



Posted at P-Noy Page for PNP

ATTN: PNP

Please read RA 9646.

Professionalized na po ang Real Estate Agents, pareho na sa Doctors, Lawyers, Dentists, Engineers. Starting 8 August 2010 pwede nyo na po hulihin ang mga illegal real estate agents na namimigay ng fliers sa malls. Madali po ma-detect kasi ang mga fliers ng mga yan eh pangalan at contact numbers lang ng ahente ang nakalagay WALANG LICENSE NUMBER. Ang mga bilyonaryong Developers po ang aareglo nyan pag makahuli kayo. Pag maka-tyempo kayo ng illegal na real estate agents na hawak ng isang Commissioner ng Real Estate Service ng PRC, paki-alerto lang po ako para mapa-sibak natin. Salamat po.

xxxxxx

Posted at PDP Laban Page for VP Binay

Diba hawak ni Binay ang Real Estate Sector? Tanong ko lang po, ano po ang ginagawang hakbang ni Binay para masugpo ang LANTARANG pag-engage ng mg Real Estate Developers sa nga illegal/colorum real estate agents? Diba yung Asiatique Mortgage Scam ay sanhi ng pag-kukulang sa Professional Due Diligence Procedure dahil sa mga colorum na real estate agents na in-engage at minamanipula ng Developer?

Ano po ang position ni VP Binay sa RA 9646 (Real Estate Service Act of 2009)? Siya po ba ay PASSIVE AND TOLERANT sa mga unlicensed practitioners, or siya ay nasa panig naming mga licensed/professional Real Estate Practitioners?

Hindi ba pwede gumawa si Binay ng MEMO na hindi na pwedeng approve ang PAG-IBIG accreditation sa mga developers na nag-eengage ng illegal real estate agents?

xxxxx

Eto for HLURB

Hindi yan dadami ng ganyan ka-dami ang illegal/colorum real estate agents na nag-bebenta ng projects kung ginagampanan ninyo ang inyong trabaho bilang primary implementor ng PD 957. Sobrang dami na ng colorum, naging parang normal na, at nagagalit na sila na para bang nasa tamang lugar sila. I personally tried to contact your office to complain one sack of fliers ng mga colorum pero you are charging me P1,010 for each illegal practitioner na i-complain ko.

Sorry na lang, but you have to be abolished. The IRR of PD 957 was in effect in 2001, in short, you were not doing your job for the past nine (9) years kaya ganyan na ka-rumi yang real estate sector natin. Your lack of performance is beyond repair.

No comments: