QUESTION: Sir John, isang grupo kami ng high-power Salespersons, mga walang license, pwede bang magbayad na lang kami ng retainer sa Broker, pa-tulog-tulog lang ang Broker tatanggap ng P20,000 a month at bahala na kami sa gagawin namin?
ANSWER: Hindi pwede retainer lang na walang hands-on supervision. Kailangan ang operation ninyo ay under ng hands-on supervisorial function ang Broker. Atsaka ang Broker lang ang pwede bayaran ng client ng commission, at ang broker ang magbibigay sa inyo ng share ninyo. Pero kung pumayag si Broker ng fix P20,000max retainer ang share niya, walang problema.
Madali maghanap ng static na Broker. Punta ka sa mga Association gathering, doon ka makakakita ng napakaraming Brokers na retirado na ang edad. Yang P20,000 kakagatin yan agad dahil HALOS LAHAT pusoy na walang kinikita yan as Broker, kahit gaano ka-elegante ang mga itsura nyan.
Ang isang Broker Unit kasi at team yan ng Salespersons na headed by a Broker. Bawat Broker Unit ay meron yan silang unique na internal arrangement on commission sharing. Basta ang Rule nyan, ehhh kung sino ang may-ari ng RE Firm, ang may-ari ang may control ng Resibo and Accounting Journal. Kahit hindi RESP, pwede mag own ng RE Firm, pero mag-hire dapat siya ng RE Broker para makapag-operate.
Yang example above, pwede yang high-power Salesperson mag-tayo ng RE firm niya, then mag hire ng Broker na babayaran niya ng retainer for a job to directly supervise the Salespersons. Si Broker maging empleyado ng RE Firm. Ang Resibo ng RE Firm ang gagamitin ni Broker.
Licensed Broker lang ang pwede TUMANGGAP ng commission or any form of professional fee for the real estate services. Ang Licensed Broker lang ang pwede gumamit ng resibo ng RE Firm.
So ang isang RE Firm na walang Lic Broker ay hindi makaka-operate, hindi makaka tanggap ng commission, hindi makaka charge ng professional fee. Kailangan ni RE Firm ng Broker in-house. Useless yang mga Resibo ni RE Firm pag wala siyang inhouse Broker.
So Broker naman, hindi rin siya makaka-tanggap ng commission or professional fee pag wala siyang Oficcial Resibo. Para magkaroon siya ng Official Receipt, dapat gagawa siya ng sarili niyang RE Firm or maging employee siya ng RE Firm na pagmamay-ari ng iba.
Pag in-house Broker siya ng RE Firm na pag-mamayari ng iba, meaning EMPLOYEE siya, hindi nya kailangan ng sariling BIR Receipt, ang gagamitin niyang receipt ay receipt ng RE Firm.
Halimbawa ang RE Firm ko ay REIBS.COM. Pag kunin kita as Inhouse Broker para mag manage ng 20 Salespersons, ang gagamitin mo resibo ay REIBS.COM na Resibo.
Akala kasi ng marami, Licensed RESP lang ang makaka establish ng RE Firm. Mali yang thought na yan. Kahit hindi licensed, pwede mag-establish at mag may-ari ng RE Service Firm. kaya tanggalin mo sa mindset mo yang idea na yan. Okay?
Walang colorum na RE Firm pag registered eto sa DTI or SEC in the case of Corporation. Ang Colorum refers to "persons" paracticing Real estate service without license and registration.
Kahit hindi RESP, pwede mag own ng RE Firm, pero mag-hire dapat siya ng RE Broker para makapag-operate.
Para yang Bus Company. Kahit putol lahat na paa at kamay mo at bulag ka, at wala kang driver's license, ehhh pwede ka mag mamay-ari ng Bus Company. Pero kailangan mo mag hire ng Professional Drivers para mag patakbo ng mga bus mo.
No comments:
Post a Comment