12/05/2011

Is flier distribution by unregistered agent Illegal?

QUESTION: Sir John, ang pag-pamimigay ba ng flier ay illegal pag ang namigay ay hindi licensed/registered sa PRC? Paano ma-apprehend yung mga colorum, sir John?

ANSWER: NO. Hindi kailangan ng PRC Lic/Reg ang trabaho na mamigay ng fliers. Hindi pwede hulihin ang mga tao na namimigay ng fliers, or mga internet sites na nag aadvertise, or mga ads sa classified ads. Pwede nga yan unmanned tray or parang kiosk machine. Advertising per se is not illegal at all. To determine legality and illegality ng real estate advertising, ang tinitingnan dyan ay kung sino ang naka-sulat na CONTACT PERSON or CONTACT NUMBER na explicitely nakasulat sa advertising medium. Kung ang nakalagay na pangalan sa likod ng flier eh yung agent na walang PRC Lic/Reg, ehh illegal yan. Remember ha, there are many other kinds of people who can sell property without need for PRC Lic/Reg.

Two ways to apprehend the illegals. One is through the complaint of the prospective buyer, so you have to EDUCATE the public and explain all this complicated regulation, you spend a lot of resources for this advocacy. Second is by sampling, wherein the AUTHORIZED LAW ENFORCER (you need a "sincere" PRB-RES with the help of RESPs in the grounds) go out and get fliers being distributed in the open, and investigate/challenge the CONTACT PERSON printed on the flier if he/she has a PRC Lic/Reg or none.

QUESTION: Sir John, kailangan ba i-require ng mga advertisers na mag submit ng proof that the contact person of the ads is an authorized seller of the real estate?

ANSWER: Yan ang problema. Hindi mo ma-obligate or ma-pwersa ang mga advertisers to perform the due-diligence function to screen out advertisings like a pseudo-deputy law enforcer ng PRB-RES. Matagal ko na sinasabi yan na etong naka-upo na PRB-RES ay wala yang silbi sa pag apprehend ng illegals, pati etong PhilRES walang program yan, puro salita lang yan sila, just like during the era of DTI. In short, dark ages pa rin ang market environment ng mga RESP. Nagpa-license tayo para maka-kuha ng permit to perform the profession, pero yung mga walang permit ay nakaka-perform pa rin.

No comments: