My proposal is either separate laws for developers and dealers OR an expanded RESA to cover the developers and dealers.
Basahin nyo yang RESA Sec 28A "(A) Any person, natural or juridical, who shall directly perform by himself/herself the acts mentioned in Section 3 hereof with reference to his/her or its own property, except real estate developers;".
Kulang yan actually eh, merong kulang dyan. Dapat nakasulat dyan eh "... except real estate developers and dealers." Nakalimutan ang dealers, kaya ngayon hindi covered ang dealers sa RESA. Isa yan sa mga loophole ng RESA.
Ang RESA ay anak yan ng MO 39 ng DTI na nag-reregulate ng mga Real Estate Service Providers. Sana meron ding anak ang PD 957 ng HLURB para sa mga Developers and Dealers.
Pwede naman tanggalin ang Developers sa coverage ng RA 9646. Pero dapat meron silang sariling Republic Act na mag regulate sa kanila, na naka-harmonize sa RESA. Eto dapat ang i-lobby ng mga Developers sa Congress.
Kasi kung covered ng RESA ang persona ng Developer, dapat meron ding Licensed Developer, or Licensed Dealer, on top of the Licensed Broker, Licensed Appraiser, Consultant, Assessor.
Another option is to expand the RESA para hindi na gumawa ng sariling RA ang Developers and Dealers.
Ang gagawin RESA i-expand, magiging:
Licensed Developer
Licensed Consultant
Licensed Dealer
Licensed Broker
Licensed Appraiser
Licensed Assessor
Registered Salesperson
Then ang Salesperson ay pwede maging under the supervision and license ng Developer, Dealer, Broker.
Yan ang tamang timpladas dyan kung aayusin natin yan sa Public Consultation. Pero kumuha muna kayo ng TRO ng RESA para ma-ayos natin yan at ma amend sa Congress.
Dealers are not agents, Dealers are people who "habitually" or "for a regular living" buy real estate in the left hand and sell it in the right hand. Kailangan eto ma regulate properly through licensing at ma protektahan ang mga matitino kasi maraming scam sa ganitong transaction.
KUNG HINDI TALAGA TITIGIL...
Ang mga developer sa kaka-gapang ng RESA para ma exempt sila, at sila ay tinutulungan naman ng PRB-RES, ng mga leaders ng Association, at ng Congress, mas MABUTI PA na mag work together na lang tayo na i-abolish ang RESA. Let's just play the real estate agency game without laws and ethics para fair.
Papayag ako na walang RESA, walang rules, free enterprise, free market. Pero hindi ako papayag na gagamitin ang RESA to tie the hands of those who are submissive to the licensing requirements para gagawing palagatasan lamang ng PRC at ng mga Association.
Pwede rin kumuha muna ng TRO sa Supreme Court, then pag-dedebatihan natin ang amendment para ma clarify ang mga nakakagulo sa iba't ibang interpretation ninyo. Pwede na rin natin isabay sa debate ang request for abolition. meron namang public consultation na gagawin ang Congress/Senate nyan eh, doon tayo magsabi ng mga positions natin. Sa Congress and Senate yan lahat gagawin kung legislation ang pinag-uusapan.
Nakakahiya yang ginagawa ninyo na lobby-lobby and bulong-bulong para isulong ang inyong mga vested interest.
No comments:
Post a Comment