CHAT: Sir John, ano po ang ibig sabihin pag hindi transparent ang PRC sa AIPO Formation? ANSWER: Personally, I would interpret it that PRC is conducting a silent auction. Wala namang guideline, requirements, and announcement na ni-release ang PRC, so they should not be entertaining AIPO applicants. The mere fact that PRB-RES "received" many application for AIPO, it is already an irregularity, I smell a silent auction signal, very anomalous.
xxxxx
PRC Must Release an AIPO Formation Guideline First
Kung ako ang PRC and wala pang guideline on the AIPO Formation, then nilapitan ako ng isang organization na gusto mag-apply as AIPO, I would not receive the application, I would say NO, kasi wala pang guideline eh. Dapat transparent ang guideline and process ng AIPO Formation. The only way is to open up the application for Trustees and then allow the applicants to campaign their platforms in a democratic National Convention. There is no other way.
Last year ko pa sinasabi eto,alam nila etong tuwid na daan na eto, hindi lang pinakikinggan for some reason, baka sobrang malakas ang temptation ng silent auction eh. Yung iba dyan eh kung kaya nga nila mapa-tayo ng bilyons worth of buildings, eh double-retirement fund pa ng public employee hindi nila kaya bilhin? The question is "nabibili" ba si public servant? Ilang buwan na walang AIPO Formation guideline at meron nang ini-entertain na applicants, so ikaw na ang mag interpret nito kung merong silent auction.
Ang silent auction ay signal na nagpapaligaw si public servant. Mayayaman yang ibang manliligaw, kayang-kaya nila mag-afford ng flowers, chocolates, diamond, etc.
xxxxx
The Inappropriate Battle of FRESA and PHILRES
QUESTION: Sir John, tsismis meron na daw AIPO i-approve ang PRB-RES?
ANSWER: Hehehe. Actually hindi pa natin alam kung kailan. Yung mga ibang AIPO applicant ay nagkakalat ng tsismis. Eto naman PRB-RES wala talagang transparency, baka hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng transparency. Sa pagkaka-alam ko, wala talagang transparency sa mga transactions sa madilim na lugar.
Abangan natin para malaman natin kung sino-sino yang mga gumagapang na i-presenta ang "SARILI" para maging AIPO. Alam naman natin na walang democrasya dyan sa gapangan, sila-sila lang yan. So pabor yan sa atin yang wrong move ng PRB-RES dahil for sure ma-consolidate ang democracy pag lumutang ang mang-gagapang.
Sabi ng RA 9646, lahat ay AUTOMATIC member ng IPORESP. Pag sila-sila lang yan at hindi ka nabigyan ng boses dyan, or hindi ka nabigyan ng oportunity to run as officer or trustee, ehhh FAKE yan na AIPO. The PRB-RES recognition in favor of a fake AIPO will just add up to the list of anomalies commited by the PRB-RES.
Basta continue lang tayo dito sa democracy, kahit anong magyari, mananaig ang democracy, mananaig ang righteousness.
xxxxx
National Convention
Sabi ni Ong, marami daw nag-aply na maging AIPO! Ang nasa isip ko, anong ginawa ng PRB-RES para "magka-isa" na yang mga aplicante na yan? So I popped the idea of a National Convention na open sa lahat, tumango-tango lang si Ong at Fajardo. Mahirap etong ganito na hindi transparent ang guideline ang AIPO formation process. Pero sa tingin ko nag hesitate din ang PRB-RES dahil dapat ang democracy ang mag initiate nyan eh, tayo dapat magka-isa. Mukhang tatagal eto.
xxxxx
Charter Members and First Set of Trustees
QUESTION: Sir John, paano maging Trustee ng IPORESP? Sino ba ang pwede bomoto para sa positions ng Trustees or Officers ng IPORESP?
ANSWER: In order to become one of the first set of IPORESP Board of Trustees, you have to be elected by the Charter Members of the IPORESP. The Charter Members are ALL those RESPs who have registered already in PRC by the time the First Election is held.
xxxxx
Although ako nagvolunteer mag convene ng AIPO, ang pinaka magandang option pa rin na pwedeng gawin ng PRC ay i contract out na lang ang AIPO Formation National Convention and Election of Trustees sa isang private na events management firm. After bigyan ng PRC ang contractor ng guideline on filing of candidacy for Trustee and guideline of campaigning, bibigyan na lang ng list of Charter Members ang events management firm at bahala na ang firm mag send ng invitation. Mahirap kasi kung FRESA or PHILRES ang mag-send ng invitations, baka hindi makarating ang mga sulat sa hindi nila kasamahan sa association nila. The best pa rin na neutral party ang mag coordinate ng event.
xxxxx
If there is anything else important that I forgot to include in this article, or if you experienced a real estate transaction that is anomalous, scam, fraudulent scheme that you want me to document and expose for others to be warned, or if you want to donate to the war chest of real estate consumer rights advocacy, please feel free to email me at JohnPetalcorin@Gmail.Com. If you want to comment about this article, there is a provision for this purpose that you can find below.
Thank you so much for visiting my site. May God Bless You!
No comments:
Post a Comment