5/24/2011

Result of the Ombudsman Mediation Meet

The only way to move forward as ONE IPORESP is through (1) mediated peace talk, (2) justification and sincere apology, and (3) unconditional reconciliation. I thank the OMBUDSMAN for sucessfuly brokering the end of the 6-month long Petalcorin-PRBRES conflict. All claims were heard, although it went through an emotionally charged state when respective version of the story didn't match, the meet finally closed with an amicable settlement with a tight handshake.

Hehehehehe. Nakakatuwa yung confrontation na mediated ng Ombudsman. Pinag-usapan kung ano ang puno at dulo ng rason ng conflict. Sabi ko, yung hawsiaw na consultation sa Pasay na sinabihan ako ng "out of order" at pinutulan ako ng microphone, so I said I reacted because I felt na binastos ako. Sumagot si Ong at yung isang tao na Board Secretary, hindi naman daw sila nakapansin na pinutol ang line ng microphone, justification. Nasa isip ko, meron namang video footage yun, pwedeng saliksikin kung sino ang gumawa or baka aksidente lang. Pinalampas ko na lang ang point of contention kasi it is my word against his word. Pero integrity issue eto. Alam naman ng mga Brokers na nandun kung ano ang nagyari, ang nakahanda kong 5 minutes speech doon eh naputol sa 30 seconds dahil nawala ang microphone habang nag sisigaw ng out of order yung emcee. Hayyyy naku. Bahala na ang Dyos at yung mga witness mag husga kung sino nagsasabi ng totoo sa amin ni Ong.

Pero pasalamat tayo, dahil sa microphone na yun, nagka-isa tayo sa isang laban na dapat kasali ang mga Developers salespersons/agents sa RA 9646 para makinabang naman sila sa professionalization. Hindi umubra ang tatlong option na pinresenta ng PRB-RES na pareho yang tatlong option ay ma-e-exempt ang mga Developers. We said NO TO DEVELOPER'S EXEMPTION AS ONE UNITED VOICE AT NANALO TAYO.

Eto nanaman tayo ngayon. AIPO Formation. Magulo. Sana magka-isa na tayo para isang boses lang tayo. Huwag na tayo mag-kanya-kanyang gapang sa PRC para maging AIPO.


Dito sa IPORESP, lahat welcome. Yung gusto maging AIPO Officer or Trustee, dapat mag ipresenta sarili at ang programa. Yung may mga tanong, sasagutin. Yong may mga suggestion, pakikinggan ng maayos. TRANSPARENCY will remove all doubts. DEMOCRACY will ensure that we have equal opportunities and freedom to choose.

CHAT QUESTION: Sir John, ano po ang ibig sabihin pag hindi transparent ang PRC sa AIPO Formation? ANSWER: Personally, I would interpret it that PRC is conducting a silent auction. Wala namang guideline, requirements, and announcement na ni-release ang PRC, so they should not be entertaining AIPO applicants. The mere fact that PRB-RES "RECEIVED" many application for AIPO, it is already an irregularity, I smell a silent auction signal, very anomalous.


xxxxx

Last night, hindi na ako nag-prepare ng paper to Ombudsman kasi buo na loob ko na gagawin ko lahat na sacrifice para magka-isa na tayo at maka-formation na ang AIPO. Narinig ko justification ng PRB-RES on the RED-TAPING issue, mahina ang justification, although sigurado akong ma pin-down sila, I hesitated kasi mahabang process ng hearing yan sa Ombudsman at baka ma-hassle ang AIPORESP formation.

xxxxxx


Sa mediation na yun, nasagot kung ano ba ang ikinipuputok ng butsi ni Ong na ginawa nilang dahilan para i-red-tape ang application ko for license? Sabi niya, he was hurt with the notes I attached to his PICTURE in my article titled Treachery of the PRB-RES on RESA IRR. Ang note na lilagay ko sa picture ay "This Man is a TRAITOR of RESA Law, SPY of the Developers, PROTECTOR of the COLORUM, enemy of the Real Estate Professionals, UNWORTHY Chairman of the Real Estate Board". Hindi nyo na makikita ang picture na eto kasi matagal ko na tinanggal eto sa blog ko. Naglabas ng damdamin si ONG na nasaktan siya pero sabi naman niya na nag hesitate siya mag-file ng libel laban sa akin dahil naintindihan niya na emotionally charged ang issue while the sector is now on birthpains. Sabi niya, marami daw nagtanong sa kanya kung ano etong issue ng treachery na eto at apektadong apektado siya. Hindi ko na inevaluate ang claim niya na nasaktan siya, nakinig na lang ako at tumingin ng deretso sa mga mata niya. Nasa loob-loob ko, I really can feel the pain he experienced an I have sympathy for this man, but why didn't he responded to the blog kung na hurt siya? Bakit ang tagal nilang nag-respond? Seven months, grabe naman ang tagal nyan, red-tape na yan. Apology lang pala ang kailangan para mahibsan na ang damdamin niya. Hindi kaya ginagamit lang ni Ong ang issue na eto na pandepensa sa posibleng red-tape case laban sa kanila sa Ombudsman? Alam ko ang advantage ko. Alam ko na hindi pwede gawing excuse ang "retaliation" on a red-tape case kasi talagang nagkulang sila na mag comply sa reasonable time of processing a license application. Alam ko rin na ang libel ay apology lang ang kailangan nyan eh mag evaporate na yan, so hindi ako natatakot nyang libel na yan kasi kaya kong panindigan sa court na talagang treachery ang ginawa nila sa RESA IRR consultation. so, in the middle of the talks, talagang pwede mag proceed sa demandahan. Kasohan ko sila ng red-tape, kasohan nila ako ng libel. Ang libel mag evaporate yan pag mag apologize ako. Pero ang red-tape walang remedy yan at walang excuse yan. Pero ang tanong, ano ba etong purpose ko dito? Ano ba ang purpose natin bilang isang real estate sector? Giyera ba ang gusto ko or reconciliation? Ano ba ang makakabuti para sa IPORESP? I am here because I volunteered to convene the IPORESP and I have to make sacrifices to reconcile everyone including myself and PRB-RES first.

While I was looking at the cards on the table, suma total, I figured out that if I give apology, mag evaporate na lahat na issues, everybody will be happy because ang libel ay mawalan ng pangil, then my license will be released, and automatically the red-tape case ay hindi ko na rin itutuloy pag ma-release na ang license ko. Take note ha, hindi humingi ng apology ang PRB-RES sa akin despite their claim na nasaktan ko daw damdamin nila, Ong failed to demand for ang apology, ako naka-isip ng Ombudsman Mediation to initiate a peace talk, ako ang naka-isip na apology as a solution, nasa akin ang control ng switch ng peace, I was the one who turned on the peace initiative. Well how about the other issues on the anomalies, eh sabi ni Ong eh handa naman daw siyang harapin ang kahit anong anomaly report na ipa-resolve natin sa PRC Commissioner. So, rational decision, I gave Ong an apology (mabuti libre naman at wala namang fee), which eradicated out 80% of the conflict zone. So, ayos na yang libel and red-tape issues, wala na sa picture ang mga eto, we agreed na close na eto. Win-win solution was achieved.

Pero sa huli, nagtira ako ng 20% na unresolved issue, eto ay ang issue ng anomalous Interim AIPO formation, and my request that for PRB-RES Resignation para maka-proceed tayo ng AIPO-RESP formation na maayos. As Ong said, willing sila harapin ang isues na eto pag i-raise nko sa PRC Commissioner. Pag wala kasing PRB-RES, walang anomalies, walang lalapitan ang mga manggagapang na mga collusions na gusto maging AIPO. Pag hindi mag-resign ang PRB-RES, huwag sila magka-mali mag annoint ng AIPO na mga manggagapang, sigurado magkakaroon nanaman ng mahabang conflict.

CHAT: Sir John, ilang oras ang negotiation? ANSWER: walang one hour, tapos agad. Last ten minutes, nag propose sila ng second-round na meeting pero sabi ko hindi na, tapusin na agad, so ayun natapos agad. Pati yung meet sa June 8 sa PRC, wala na, nag-agree na na cancel na yun, resolved na ang issues eh. Absent sa meeting si Choa, Cuervo, and Dino. Si Ong lang at si Fajardo pumunta and they said they represent the voice of the entire PRB-RES as a collegial body. First impression ko kay Fajardo ay mabait, siya daw ang in-charge sa licensing, kasi hati-hati daw sila ng workload.


xxxxx


COMMENT ON MEDIATION of ATTY MARLYN TORRES-GALVEZ (Ombudsman):

Negative:

(1) Si Ong merong pattern pagka-bastos, kumakausap ng tao sa cellphone habang nagsasalita ako sa kanya. Ang Ombudsman naman ay hinayan lang ang pambabastos, muntik na ako tumayo at nilayasan ang negotiation table, buti na lang nag apologize naman, so okay lang, pero sana next time don't forget the etiquette.

(2) Another kabastosan, si Ong nagpapasok ng ibang tao in the middle of the one hour meeting. Pinapasok ang tao kahit hindi nagpaalam sa akin, hindi rin nag-paalam sa Ombudsman. Ang Ombudsman mediator naman ay hinayaan lang na pinapasok ang nasabing tao na hindi naman imbitado. Sabi ni Ong eh Secretary Lawyer daw ang tao ng PRB-RES (nasa isip ko ehh ano so what). Naging panggulo lang ang mga pinagsasabi ng hindi imbitadong taong eto dahil natural hindi naman niya nasimulan ang discussion. Sinabihan ko na keep quiet and observe or get out of the room eh hindi nag-comply at pinagtangol pa ni Ong ang nasabing tao. Mabuti na lang hindi ako nawala ng focus.

Positive: I am impressed with her skills as a mediator. She maintained her focus on guiding the conflicting parties towards "settlement". Malinis ang opisina ng Ombudsman. Magalang ang mga security guard at mga secretary nila. Napaka-bait ng secretary, binigyan ako ng libreng tubig nungnaghingi ako kasi medyo dry ang air nila sa loob natuyoan ako ng laway. Overall, Magaling! I would give Ombudsman an overall score of 98%. Sulit ang pera ng taong bayan sa Ombudsman.

xxxxx

REMEMBERING MY PAST

In my previous work, I adjudicate at least 30 benefit claims a day for seven years. Yung ibang client nagagalit pag pina-submit ng additional document or pag na deny. So, natural na yan sa akin na nakakatanggap ako ng isang derogatory notes dahil emotionally charged ang issue eh. Pero tinuruan ako ng mga Americano na public servant tayo, hindi tayo pwede mag retaliate sa mga complainants. Hindi rin natin pwede i-redtape or i-hostage ang paperwork nila dahil sa personal natin na inis or galit sa public customers. Kung na hurt ka sa sinabi ng customer, sulatan mo KAAGAD (without delay) ng ganito ang wordings:

Dear Customer:

This refers to your application which is now pending under my adjudication. I have personal issues with you. I am hurt by the blog in the internet that you published about me where you called me a LAZY PIG, which demeans and tarnish my reputation. However, I have read your explanation why you called me a LAZY PIG and I will consider it to improve my services. Nevertheless, I am thinking about inhibiting myself from this application because I have personal issues with you. However, I will proceed with the adjudication immediately if you will delete such note and apologize to me by signing the apology reply below and mail back this letter to me. I would appreciate receiving your reply within 15 days. Truly yours, John Petalcorin

"Dear Mr, Petalcorin, I apologize for my remarks that you are a LAZY PIG. Signed: CUSTOMER



xxxxx

UNPROFESSIONALLY WRITTEN OFFICIAL COMMUNICATION

Isa din sa ni-raise ko na issue sa Ombudsman meeting na yun ay ang napaka-unprofessionally written na Show Cause Order sa akin. Sabi ni Mr. Ong, noong January 11 daw siya nag request ng services sa Legal Department ng PRC on my case and ang Legal Department ng PRC ang gumawa nitong napaka unprofessional letter na eto. Unprofessional kasi walang date, mali spelling ng pangalan ko, mali-mali ang spelling ng substance ng leter, walang pangalan at pirma ang sumulat, at higit sa lahat walang paragraph on information on number kung sino tatawagan ko. Well, ang header eh "Board of Real Estate Service", so I think hindi PRC Legal Department ang gumawa ng napaka unprofessional letter na eto.

xxxxx

FORMAL APOLOGY LETTER

Dear Mr. Eduardo G. Ong:

This Blog serves as my FORMAL APOLOGY to you. I will not be sending you a printed copy of this blog because I have given PRB-RES permission to print this particular entire blog so you can use it for whatever purpose it may serve to perform your official duties. My apology will be in form of a Blog because this is what the Ombudsman suggested, which you did not contest. I am deeply sorry for hurting you on the embedded note on a photo of you where I said "This Man is a TRAITOR of RESA Law, SPY of the Developers, PROTECTOR of the COLORUM, enemy of the Real Estate Professionals, UNWORTHY Chairman of the Real Estate Board". This apology in blog is just a reiteration because I have already apologized personally to you during the meeting. As a remedy even before you expressed that you are hurt during the Ombudsman meeting, I have already deleted such photo in the internet a long time ago after my anger faded away. Please forgive me for hurting you, it was just a result of burst of emotion after I felt bad on how your team treated me during the RESA IRR Consultation. We also agreed that there is no more need to meet on June 8 because we have settled the issue already on the seal of reconciliation. Nevertheless, I hope you have read the reason why I called you names and consider it a lesson on how to conduct public consultations in the future. So now, let's burry those threats of libel and threats of red-tape cases and move on in building a vibrant democracy of the brand new real estate service sector.

Mr. Fajardo and the Ombudsman suggested in the meeting that I may spread this Blog globally, but I did not hear you speak it. Please just use your cellphone to call me at 0921-7172040 if you want me to spread it globally. If you will not call, I assume this blog is sufficient and I am expecting the adjudication of my license application as soon as possible because it's been grossly delayed for seven months already since I submitted my application. I would appreciate a call from your office as soon as my application is adjudicated, and I request that the signed Resolution be faxed to my office at tel# (632) 3531664, and an original copy be sent to my address following government procedure on how to send mails (please use Registered Mail, please don't use personal contact couriers such as DHL, LBC, or FEDEX).


Sincerely yours,


[Signed]
JOHN ODONNELL REMOLLO PETALCORIN



PS. As an exhortationist, I will continue watching over PRB-RES, AIPORESP and the entire real estate service industry and will continue expressing my opinion and exposing anomalies in the internet. Everyone is most welcome to react and respond to my postings in the internet especially in Facebook Group titled IPORESP.


xxxxx

No comments: