The Integrity Review
QUESTION: Sir John, wala pang AIPO, so wala pang CodER, wala pang CPE Council, wala sa ayos ang RESA IRR, pero nagpa exam na si PRC at namigay na ng license sa mga hindi Charter Members. Sa opinion mo, dapat ba strip-off ng license yung mga nabigyan na?
ANSWER: I can't pre-empt the decision of the Joint Session of the upcoming Genuine PRB-RES and the AIPORESP on the remedies of the Integrity Review of all possibly erronously conducted exams and erroneously issued licenses. I myself have in mind some possible "REMEDIES" na tinatawag na "MANDATORY SPECIAL CPE AND SHORT EXAM" (libre eto ha) para hindi na kailangan tanggalan ng license mga nabigyan na. Pero sa Integrity Review meron talagang konti na ma strip-off talaga ang license nyan kasi marami report of fraud. IPORESP will start the sector CLEAN.
xxxxx
The IPORESP Integration Form
Merong IPORESP Integration Form na lalabas sa first week of August 2011. Lahat obligado kumompleto nito para ma-integrate. This is in line with the AIPORESP Formation Process. Etong Integration Form na eto, one page lang eto a back-to-back, sa front ang Integration Form, sa back 1st BOT Voting Form. Completohin nyo eto, then ipa-Notaryo, then ipadala sa IPORESP Command Center (may instruction naman sa Form eh).
Pag ma receive na ang Integration Form na pinadala ninyo, ang gagawin ng volunteer on-duty sa IPORESP Command Center (ICC) ay i-upload na agad ang name record mo sa IPORESP Directory of Recognized Members sa Official IPORESP Website (24/7 ang operation ng ICC and mag volunteer kayo kung gusto nyo tumulong). Mga covered ng Sec 20 (RA 9646 Original Text) ang maging Charter Members ng AIPORESP, automatic ang status ay "Member in Good Standing". Yung mga hindi covered ng Sec 20, ang gagawin eh ang dafault IPORESP Status nila ay "Pending Review". After nila macompleto ang Online Special CPE and Exam (libre eto ha), ma change na ang IPORESP status nila to "Presumed". Yung mga status na "Presumed", high-priority yan na ma adjudicate na ang papeles nyan ng Integrity Review, and right after ma adjudicate ang papeles na cleared ay ma change na agad ang IPORESP status sa website at magiging "Member of Good Standing" na agad. In around 3 months (Oct-Dec 2011) tapos na ang Integrity Review ng lahat na mga maximum of 20,000 RESPs (hindi pa kasali ang Salespersons).
Ang conservative estimate ko mga October-November 2011 yan lalabas ang CHED Curriculum Memo. Kung ma delay yan, then by January 2012 baka pwede pa magkaroon ng isang last Exam kung hindi pa ma publish ang CHED Curriculum Memo. I am sure by February 2012 wala nang Exam because the 4-Year Course Curriculum ay matapos na ng joint session ng PRB-RES, CHED, IPORESP, ACADEME, and ma published na ang Memo. Basta klaro ang provision ng RESA na pag meron nang CHED Curriculum, wala na dapat exam, unless merong sufficient number na applicants for exam na graduate ng 4-year course na Real Estate Service (which is impossible). See RA 9646 Sec 14 B.
xxxxx
QUESTION: Sir John, gusto ko ma clear na agad ang name ko, gusto ko ma-una papeles ko na tatrabahuin sa Integrity Review, ano gagawin ko?
ANSWER: First come first served yan, ang basis na gagamitin ay sequence ng receiving date ng IPORESP Integration Form (libre eto ha) na ilalabas ng Joint Session ng Candidates-Comelec on First week of August. Etong IPORESP Integration Form na eto rin ang basis ng number sequence ng issuance ng APO Number na makikita mo sa Sec 38 ng RA 9646.
The IPORESP Website
Sa IPORESP Website, magkakaroon ng Directory of Recognized Members. Ang basis nito ay Section 22 ng RA 9646. Ang source ng data ay ang IPORESP Integration form and will be cross-referred to PRC Data. Ang data na makikita ng public ay ang mga sumusunod:
APO#:
Name:
PRC Status: (Active, Pending, Suspended) / Profession
Business Address:
Business Contact Numbers:
Email Address / Website:
Specialization:
Affiliation:
Registered Salespersons List:
IPORESP Status: (Member of Good Standing, Presumed, Pending Review)
IPORESP Philippine National Listing System: (Subscription expires on xx/xxx, None)
IPORESP Seal of Excellence: (Guarantee expires on xx/xxxx, None)
IPORESP Performance Bond: (Guarantee expires on xx/xxxx, None)
Pag click mo ng Registered Salespersons, makikita mo kung sino mga registered salespersons nyang member na yan (para hindi ma-sulot mga ahente nya).
Meron din Salespersons List. Dito kayo titingin sa list na eto bago nyo tanggapin ang isang Salesperson applicant. Pag nasa list na yan, ibig sabihin eh Salesperson yan ng ibang Broker, so kausapin nyo muna ang Broker nyan bago mo paki-alaman yang applikante na yan para hindi kayo mag-away ng Broker nyan.
Pag ang Status mo sa IPORESP ay pending Integrity Review, click mo lang yang "Pending Review" and you will jump to a page na merong FREE Online Special CPE and Short Exam. Pag ma complete mo ang Online Exam, maging Presumed na yang IPORESP Status mo within 24 hours. Pag ma clear na ng Integrity Review Committee ang papeles mo, maging Member of Good Standing na yang IPORESP Status mo. Remember ha, walang bayad ang whole process para makakuha ng Good Standing status, walang membership fee na sinisingil ang IPORESP (mag ingat sa mga scam dyan sa labas na nagbebenta ng membership fee para makakuha kayo ng Good Standing Status).
Later ko na explain yang Philippine National Listing System, Seal of Excellence, Performance Bond. Malalaman nyo ang mechanics nito kasi part eto ng substance ng mandatory Online Special CPE.
xxxxx
Ang Number System ng APO# will use the following format:
LETTER CODE - YEAR PASSED THE EXAM - NUMBER SEQUENCE
Example:
C98-00045
A11-03458
Ang meaning ng C98-0045 is the person is a Charter Member of IPORESP who passed the exam in 1998 and is the 45th person who submitted the IPORESP Integration Form.
Ang meaning ng A11-03458 is the person is an Automatic Member of IPORESP who passes the exam in 2011 and is the 3,458th person who submitted the IPORESP Integration Form.
xxxxx
QUESTION: Sir John, meron bang IPORESP Automatic member na hindi maka-boto?
ANSWER: None. Wala. Lahat dapat mag-kompleto ng IPORESP Integration Form and lahat dapat bomoto. Isang page lang yan Integration and Voting form, back-to-back. Yung mabibilang na boto ay yun lang pasok sa criteria ng definition ng "charter member electorate" na mapagkasunduan ng IPORESP and PRC Commissioner later on in a joint conference. Again, LAHAT DAPAT BOMOTO!
xxxxx
QUESTION: Sir John, I am bothered if we can comply to PRC standard on the electorates. Can you guarantee that we will meet it?
ANSWER: Definitely YES, at 100% guarantee. Lahat must complete the IPORESP Integration Form and lahat must vote. Whatever the IPORESP and PRC agree upon when they sit down, IPORESP is 100% capable of flexibly showing the result in variety sets of electorates. Pag gusto ni Commissioner Sec 20 lang ehhh meron tayo result nyan, at kung gusto niya i-limit natin sa mga na-issuhan na ng License Card meron din tayo result nyan, lahat na variety meron tayo because of the IPORESP Integration Form.
xxxxx
QUESTION: Sir John, yang mga members ng Interim PRB-RES ngayon na mga RESP, kailangan din nila mag submit ng IPORESP Integration Form ?
ANSWER: Definitely YES. Walang exempted. Walang special. Lahat kailangan mag submit.
xxxxx
QUESTION: Sir John, Broker po ako, matanda na, ayoko na magbenta napagod na ako sa dami ng colorum talo ako palagi, walang kita, paano ba mag apply sa IPORESP headquarters?
ANSWER: Meron po isang item sa IPORESP Integration Form that asks if you are interested to work in the IPORESP HQ, answeran nyo lang po ng YES or NO. Meron din question kung interested ka maging isa sa 25 niminees for PRB-RES, answeran nyo lang po ng YES or NO. Pag answer nyo po ay YES, isa po kayo na 100% sure na mapadalhan ng IPORESP ng invitation to file formal application kapag ready na po ang working table ng position at nasa tamang panahon na na dapat na kayo mag apply.
No comments:
Post a Comment