WARNING! May isang Association na bago na ang tawag sa sarili nila ay PhilRES po na naniningil ng P500 membership fee for AIPORESP Formation purpose. Ang PhilRES po ay hindi po Authorized Collecting Agent ng AIPORESP. Wala pong membership fee na required to participate in the AIPORESP Formation including candidacy and voting, WALA PO BAYAD. Mag-ingat na hindi ma-biktima! Lalo na po ang mga REBAP Members na silang concentration ng binibiktima nila. Salamat po!
QUESTION: Sir John, nabasa ko po ang AIPORESP Formation Schedule and General Information. Pwede po ba kumandidato ang representative ng CREBA or PHILRES sa AIPORESP Formation? ANSWER: Yes of course. Dapat kumandidato sila at maging transparent sila sa Platform nila. Yang PHILRES sabihin niya na platform niya eh 120 hours ang required training ng salesperson and required na P10,000 per year membership fee sa PHILRES para maging member ng AIPO. Yang CREBA pwede kumandidato yang representative nila at gawin nilang platform na maging "untouchables" ang mga marketing arm ng Developers. Tingnan natin ang mga comments and pulse ng Democracy. Tingnan natin kung mananalo sila.
Atsaka may report sa akin na taga REBAP na sabi daw sa kanila eh magbayad daw muna ng P500 sa PhilRES para maging "member of good standing" bago ka maka boto. Kwarta talaga ang nasa isip nila palagi. Parang sinasabihan nila ang mga REBAP na magbayad muna ng P500 sa PhilRES para makaboto sa AIPORESP. Kawawa naman.
Ehhh ni minsan hindi dumaan sa isip ko yang magbayad muna ang Member bago makaboto. Kung may gastusin man sa coordination election, maliit lang naman siguro at pwede na abonohan.
Ang advice ko lang sa REBAP members, kung naguguluhan kayo, eh PARA SAFE KAYO the best is you PARTICIPATE IN BOTH. You may follow your National REBAP Resolution to join PhilRES kasi Transfer Ship Order po yan dahil lumulubog na po ang barko ng REBAP -- dati po hate na hate ninyo ang word na "Realtor" dahil sa nationalistic spirit daw pero ngayon ah mga leaders ng REBAP ang nangunguna na na nag apply maging REALTOR sa NAR. For back-up redundancy purpose, you must also follow the Democracy and participate in the AIPORESP Formation kasi automatic naman TAYO lahat dito member eh -- AIPORESP ay ATIN eto kasama lahat.
Pero, tanungin muna ninyo kung ina-allow ba ng PhilRES na mag join kayo sa Democracy ng IPORESP, and for your own excuse and protection in the future you better get a official statement from PhilRES kung pinapayagan ba kayo or hindi. You will need that official PhilRES statement later na pinipigilan kayo na mag participate sa Democracy para depensa ninyo yan dahil ang AIPORESP ay talagang i-suspend or i-expel ang mga DEFIANT sa Integration Mandate ng RA 9646
No comments:
Post a Comment