QUESTION: Sir John, ano masasabi mo sa professional and income tax na ina-apply sa mga RESPs?
ANSWER: Dapat exempted na ang commissions ng RESPs sa income tax kasi bihira lang naman makaka-benta ang marami pa nagha-hati-hati. Five (5) percent commission is very small compare mo sa at least 20% profits ng mga nagbebenta ng kahit anong products. Meron nang tax the gross amount ng property na nabenta, hindi na dapat buwisan pa yang maliit na kinikita ng mga agents/brokers. Leche kasi etong mga Asssociation, plastic, kung mag assembly naka Amerikana, akala tuloy ng mga tao eh MAYAYAMAN ang mga RESPs. May isa, pinagmayabang kumita daw ng P2M commission, pero walang pang notaryo ng IIF, napaka-pretentious.
xxxxxx
Subukan mo mag-attend ng mga General Assembly ng mga Associations. Pagmasdan mo mga participants pag-nasa part na ng program na binibigyan ng award mga "kumita" daw. Pagmasdan mo mga majority na participants diba "malungkot" mga mukha kasi walang benta. Yang mga nasa stage, yang mga suot nyan na barong galing yan sa membership fee ng mga members and overprice na mga singil sa kada-social-affairs, yan lang sila ang kumikita galing sa katas ng mga binabayad ng mga RESPs. Ngayon yan din mga yan ang nagsasabi sa inyo na "wait-and'see" sa pag submit ng IPORESP Integration Form (IIF).
xxxxxx
Naalala ko yung aking isang kaibigan na member ng Association. Pag gipit na raw sila sa pera, magpapa-meeting ang mga officers and mag launch ng CPE or CRESR para kumita ng konti kahit papano. Yung ibang officers ng Associations, dyan lang talaga sa CPE/CRESR kumikita, nakaka-awa. Hindi yan na troubleshoot na problem kasi pretentious eh. Naghihirap na, plastic pa rin. Palpak na pamamalakad nila for the past decades, pinagmamayabang pa rin mga ranggo nila sa Association.
xxxxxx
That's why I immediately shoot down the idea na ang AIPO ay magiging parang council ng mga leaders ng Associations. Pag tiningnan mo ang past two decades, walang credibility and good performing reputation ang mga leaders ng Associations eh, kahit saan angle mo tingnan.
xxxxxx
Kaya etong IPORESP, pwede eto maging Party List kasi napaka-marginalized etong profession na eto ng mga real estate service practitioners. Sa lahat na profession, eto pinaka marginalized.
xxxxxx
Hindi tayo nag-kulang sa pag announce ng CALL FOR SUBMISSION OF IIF. Kung merong mga benefits na ma-miss mo dahil nag delay ka ng submission ng IIF, walang ibang sisihin nyan kundi sarili mo at yung mga tao na nag-bulong sayo na mag wait-and-see (na wala namang maibigay sayo).
xxxxxx
Merong mga nag-submit nag IIF na merong note na "John, please keep this confidential at the moment while PRC Approval of IPORESP as AIPO is still pending because I am afraid of their threats against IPORESP supporters". Marunong at magaling po etong taktika na eto at akin etong ilagay sa confidential member list, hindi ma-publish ang name, pero na-meet ang early-bird receiving date ng IIF so kasama eto sa makaka-kuha ng early-bird benefits.
Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, puro dahilan.
No comments:
Post a Comment