SAGOT SA AGAM-AGAM
Balita ko, may iba't-ibang agam-agam kung ano ang plano ko kung papano mabigyan ng bread and butter ang mga members ng IPORESP. Marami din nag-tatanong kung pwede ba raw ako tumakbo sa AIPO. Hindi ko masasagot lahat nyan pa-isa-isa. Pero pwede kayo mag-tanong sa mga na meet ko ng personal kasi sa saglit ng aming pag-uusap ay nakwento ko sa kanila ang nilalaman ng aking isip tungkol sa mga bagay na yan. Sinulat ko na sa blogs at kinwento ko pa sa kanila kasi palaging nasa hukay ang kabilang paa ko. At least kung ano man mangyari sa akin, may nakaka-alam kung ano ang gagawin. Si Rltrs Henry Canasa, Titus Perez, Florezil Agujetas, Olan Arawag, Cyril Co, Ronnie Reyes, and Richard Batiquin, alam na alam nila ang nilalaman ng isip ko. Alam nila kung papano kikita ng bread and butter ang bawat isa sa profession natin sa design ko ng PNLS and kung ano ang relationship ng IPORESP sa REALTER SOCIETY. Pwede nyo silang tanungin sa mga sagot sa mga agam-agam ninyo kasi ayoko nang pa-ulit-ulit na ikwento ang mga yan, sa kadahilanan na nasa mas mataas na level na ng advocacy ang inaatupag ko which is the rulings ng BIR na apektado tayo lahat.
Ang PhilRES, na control na ang pagka-garapata nila, tag P500 na lang ang membership fee nila, wala na akong angal kasi I remember way back in 2009 nakapag-bitiw ako ng blog na hindi pwede tumaas yan sa P500. Ang hindi pa lang alam eh kung ano ang platform and programa ng mga gusto maging leaders ng AIPO kasi empty talaga ang lata nila, so maaring pwede natin i-fill-up yang gap na yan depende na yan sa Board of Trustees kung ano ang decision nila for IPORESP.
I am curious kung ano mangyari sa PhilRES after it's supposed election on Feb. Bubulagta ang hilaw na APO na walang sufficient number of members. Gagawin nilang "confidential" ang number of voters para hindi mapahiya.
PRANKAHAN LANG
Hindi ako bilib sa mga oldies na leaders sa real estate service kasi hindi nila nagawan ng paraan na kumita ng maayos ang mga practitioners. Ang sarili lang nila ang inisip nilang kumita galing sa mga sapilitang paniningil ng membership fee, mga cpe, at mga kung ano-anong election and convention fees. Kung wala kayong nagawa noong ilang decada ng inyong leadership, please lang, itigil nyo na yang inyong pag-hari-harian dyan kasi wala na kaming respeto sa inyo. Hayaan nyo ang mga bago mag-isip ng paraan para magkaroon ng bread and butter ang mga practitioners.
ELECTION PARTICIPATION FEE
Yang sinisingil ng PhilRES ngayon, ang tawag na tama dyan ay ELECTION PARTICIPATION FEE. Kasi ang pakinabang mo lang talaga nyan eh maka participate ka sa election. Kung wala kang balak mag officer, or kahit balak mo pero hindi mo naman ka-batak yang mga naghaharing-uri dyan sa PhilRES eh masasayang lang ang Election Participation Fee mo.
Remember, less than 50lang yang PhilRES na yan. Pag mag-sign-up ka sa kanila, pinadami mo lang sila. Isipin mo ang consequences pag madagdagan ng isang pirasong ngipin yang garapata dahil sayo.
REMINDER
When you pay for something, like membership fee, always bear in mind what you will get in return for it. That's what I always have in mind as founder of Realter, which will basically sell membership in return of grant to (1) use the Realter/Rltr Titles, (2) opportunity for various commendation-based awards, (3) connections, (4) linkages.
Ang PhilRES po, wala talaga yan silang program. Yang paniningil nila ay walang kapalit yan na kahit one centavo worth of benefit para doon sa nag-bayad. Yang sinasabi na kailangan mag-bayad para maging "good standing", huwag kayo magpa-loko ng reason na yan. Yan ay ginagamit nila para magkakaroon ng members/botante na makapag-bibigay sa kanila ng MORE POWER. Pag nag-bayad kayo nyan, siguraduhin nyong maging officer kayo para kasama kayo sa mga kumikita sa pang-gagarapata ng mga RESPs. Pero kung wala kang balak mag-garapata, saka na kayo ma-compel or ma-pilitan on the day na mag-renew kayo ng license. Pero bear in mind, hindi pa sure na required yang cert of good standing sa renewal ng license, kasi sa dinami-dami ng professions, lima lang ang required ng CGS and hindi kasali ang Real Estate Service.
Ang IPORESP nga eh sobrang dami ng programs and projects pero walang balak maningil ngmembership fee. Kasi alam ng IPORESP na mag earn siya from user-fees ng mga programs niya na talagang mapapakinabangan ng mga members na mag-patronize nito.
Doctors nga eh buhay ng tao ang mawawala pag magka-mali sila, wala nga CGS. Nagpunta ako sa PRC, lima lang talaga ang merong CGS requirement, at medyo nagagalit na rin mga members nila, baka ma lift na yang requirement na yan. Sa Real Estate, pag wala sa RESA Law at hindi makakabuti sa mga members, or prone sa abuse, hindi pwede isakay yang CGS Provision na yan. Lalo na eh AUTOMATIC ang membership ng lahat sa AIPO, so hindi pwede i-deprive ng benefits.
Yang sinisingil ng PhilRES ngayon, ang tawag na tama dyan ay ELECTION PARTICIPATION FEE. Kasi ang pakinabang mo lang talaga nyan eh maka participate ka sa election. Kung wala kang balak mag officer, or kahit balak mo pero hindi mo naman ka-batak yang mga naghaharing-uri dyan sa PhilRES eh masasayanglang ang Election Fee mo.
IT'S PHILRES THAT HAS TO PAY
Ang PhilRES walang sufficient number ng myembro para makapag-election na hindi katawa-tawa. Ang PhilRES po ang nag-hahabol na ma meet nila ang requirement of number of members, kaya nila ginagamit ang election as a means to attract interested parties. Hindi rational yang ELECTION PARTICIPATION FEE na sinisingil ng PhilRES sa mga automatic members ng APO. Kung si PhilRES nangangailangan ng participating voters, SI PHILRES DAPAT ANG MAG-BAYAD sa mga participants.
Kung sino man ang nangapital ng P6,000 per one incorporator ng PhilRES, siya ang may-ari ng PhilRES, siya dapat gumastos para mag-bayad sa mga tao na mag-participate sa election. Kung bayaran ako ng P6,000 boboto ako, promise, pero bayaran nyo rin ang lahat kami sa IPORESP tag P6,000 kada ulo mga less than 700 kami lahat. Kayo makinabang, kayo mag-bayad. Hehehehe.
No comments:
Post a Comment